Linggo, Setyembre 13, 2015

DAGLI: KARANASAN;KALIGAYAHAN

ABOT LANGIT NA KALIGAYAHAN
          Maaga pa lang ay nagsimula nang mag-impake ng gamit. Isa-isang isinilid sa bag ang mga pinaglakhan damit at laruan. Makaraan ang ilang saglit ay humayo na at sabay sabay na naglakad. Nagkukuwentuhan na tila ba'y di nagkita sa loob ng mahabang panahon. Dumaan sa tulay, lahat ay takot. Dumaan sa ilog, puno ng halakhakan. Makalipas ang ilang minuto ay narating narin ang lugar. Isa-isang nagsilabasan ang mga bata. Sinimulan na ang panalangin. Nagkaroon ng maikling palatuntunan. Masayang nakipaglaro sa isa't-isa. Pagsapit ng tanghali ay muling nanalangin. Sinimulan na ang pamamahagi ng pagkain. Pagkatapos, isa-isa nang ipinamigay ang ang dala dalang damit at laruan. "Salamat Po!", sambit ng mga bata. Ang lahat ay nakaramdam ng abot langit na kaligayahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento